Ano’ng Mga Talento ang Kailangan Mo Upang Magtrabaho sa Industriya ng Pagsusugal sa Pilipinas?
Napakabilis ng paglago ng industriya ng sugal sa Pilipinas. Mula sa mga world-class na casino sa Entertainment City hanggang sa mga online casino at sports betting na mga plataporma kagaya ng Ivibet Pilipinas, libo-libong trabaho ang inililikha ng sektor na ito bawat taon. Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), hindi lamang nagdadala ng bilyun-bilyon ang industriya sa kita para sa gobyerno, ngunit namamahagi din ito ng trabaho para sa mga Pilipino sa iba’t-ibang larangan, mula sa mga operasyon sa casino hanggang sa IT at sa suportang pangkliyente.
Kung nais mong magsimula ng karera sa larangan ng industriya ng sugal, dapat alam mo ang mga katangian na kailangan mo. Samakatuwid, ang industriya ay malawak, makabago, at regulado. Heot ang mga katangian at kakayanan na pwede kang tulungan upang magwagi sa karera sa mundo ng industriya ng sugal sa bansa.
Komunikasyon
Ang mga casino at kompanyang may kaugnayan sa gaming ay laging nakikipag-ugnayan sa tao. Maging dealer ka man sa pisikal o online na casino, ahente ng live chat o customer service, o bahagi ng marketing tema, mahalaga ang komunikasyon.
Samakatuwid, mahalaga ang komunikasyon sa Inggles at Tagalog, sapagka’t napakaraming turista ang bumibisita sa mga casino sa Manila, Cebu, at Clark. Gayundin, esensyal din ang pasensya at pagiging magiliw. Natural ang pagiging maaruga ng Pilipino, at ang katangiang ito ay napakahalaga sa mga posisyong humaharap sa mga kliyente.
Pagsusuri at pagkakalkula
Ang sugal ay nakabatay sa mga numero. Mula sa pagkalkula ng odds sa sports betting hanggang sa pagtrato ng mga pitsa sa lamesa, dapat may kumpyansa ang bawat empleyado sa simpleng matematika.
Para sa mga high-level na trabaho kagaya ng pagiging bookmaker, odds trader, o game designer, mas lalong mahalaga ang kakayahang magsuri at magkwenta ng numero sapagka’t kinakailangan ng mga posisyong ito ang pag-aral ng datos, pag-unawa sa probabilidad, at gumawa ng mabibilis na desisyon. Kung komportable ka sa mga numero, lagi may oportunidad sa industriya.
Teknikal na pagkadalubhasa
Ang paglaganap ng online gambling at ng iGaming sa Pilipinas ay nangangahulugan na matindi ang demanda para sa pagkadalubhasa sa IT. Ang mga developer, programmer, at eksperto sa seguridad ay kinakailangan upang lumikha, magmantena, at protektahan ang mga online casino platform.
Gayundin ang pagkadalubhasa sa programming, app development, at web design. Ang cybersecurity ay isa ring mahalagang larangan. Strikto ang mga patakaran ng PAGCOR at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) pagdating sa pagprotekta ng datos ng mga manlalaro at pagsawata sa pandaraya.
Kaalaman sa mga patakaran at regulasyon
Isa sa pinakareguladong sektor sa Pilipinas ang industriya ng sugal. Pananagutan ng PAGCOR ang paglisensya at pagsubaybay sa mga pisikal at online casino. Dapat alam ng bawat empleyado ang mga patakarang ito.
Halimbawa, dapat tiyakin ng mga empleyado na ang mga manlalarong may edad 21 pataas lamang ang pwede maglaro sa mga lisensyadong casino. Ang mga bisor sa compliance ay dapat may kaalaman sa mga batas at patakaran ukol sa anti-money laundering at ang pag-ulat nito.
Customer service o suportang pangkliyente
Para sa karamihan ng manlalaro, ang pagpunta sa pisikal o online na casino ay tungkol sa karanasan. Ang kahulugan nito ay ang customer service ay magkasing-halaga lamang kaysa sa mismong mga laro.
Samakatuwid, ang mga manlalarong magiliw, magalang, at mabilis umaksyon sa mga problema ay pinangangahalagahan. Ilan sa mga posisyong may kaugnayan sa customer service ay live dealer, croupier, reception staff, VIP host, at customer support agent. Madalas mangontrata ang mga online casino ng mga Pilipino lalo na sa customer service dahil sa kanilang natural na pagiging maaruga at ang kakayan nilang magsalita ng Inggles.
Buod
Ang industriya ng sugal sa Pilipinas ay hindi lamang ang mga casino sa Manila. Isa itong lumalagong larangan na may kaugnayan sa hospitality, teknolohiya, libangan, at pananalapi. Ang pangangasiwa ng PAGCOR ay tinitiyak na nananatili itong ligtas at regulado, ngunit nangangahulugan din ito na ang mga empleyado ay dapat may angkop na kakayanan at responsibilidad.
Kung nais mong magtrabaho sa industriyang ito, mainam na hubugin mo ang iyong kakayanan sa komunikasyon, matematika, IT, customer service, compliance, at pagresolba ng mga problema. Kung ipagsama mo ito sa propesyonalismo at pagiging malikhain, tiyak na makakahanap ka ng mga oportunidad na angkop sa iyong mga katangian.
Habang umuusbong ang industriya mapa-pisikal man o mapa-online na casino, ang demanda para sa talentong Pilipino ay gayunding lalago. Kung nais mo man magtrabaho sa pisikal na casino at sa mga operasyon nito, o bilang IT o sa pangangasiwa nito, tiyak na may karera sa industriya ng sugal na akma para sa iyo.
